Nagkulang ako sa’yo; sa oras. Ilang mahahalagang okasyon sa buhay mo ang hindi ko naabutan— mahirap mang paniwalaan pero pinilit kong humabol.
Pinilit ng mga maiikli kong biyas at nangangatog na tuhod dahil alam ko,
mabigat sayong humakbang pasulong gayong napag-iiwanan ako ng mundo.
Nagkulang ako sa’yo; sa tingin. Sinadya ko ang bawat pag-iwas. Ngunit hindi mo man paniwalaan, nagnanakaw ako.
Sa mga araw na subsob ka sa mga librong kahit kailan ay hindi ka maiintindihan,
sa kapeng nangalay na lahat lahat sa iyo sa pag-ihip
ay napaso ka pa rin.
Nagkulang ako sa’yo; sa pag-unawa. Ngunit nirerespeto kita. Tinatanggap ko ang kaya mo lang ibigay.
At mahirap man, pinilit kong hindi hilingin na pasobrahan mo.
Nagkulang ako sa’yo, sa pagmamahal. Pero hindi naman ako magiging sapat diba?
— Jucel Faith
Larawan: Tearofnight

