Patawad Pero Hindi Na Ikaw

Hanggang kailan mo akong balak iwasan
Tampuhang mistulang nagmamatigasan
Diba’t pag-ibig ay pandalawahan?
Ngunit ako ngayo’y mag-isa na lang na lumalaban.

Bawat patak ng aking luha ay panghihinayang
Sa lumipas nating tagpo’y kalungkutan ang nakikinabang
Ilang beses mang sabihing kaya pang humakbang

Umasa man pero talagang hanggang doon nalang.

— Blythe Naza

Larawang kuha ni Jucel Faith

Iba ang ninanais ng puso
Mas lalo na ng mga matang
pagod ng umiyak
Isang malaking kasinungalingan
ang pagtatampo o ang pagmamatigas
Hindi ako hihingi ng tawad
sa paglimot sa pag-ibig na
pilit mong sinasalba.
Ngunit di rin magmamakaawa
na lumaban pa.

Patawad pero hindi na ikaw.

— Jucel Faith

Leave a Comment