Nakayapak At Nahihiwagaan

“Hindi nagmamahal ang hindi nagtitiwala. Walang paglalayag ang nakakadaong sa minimithing isla kung pabalik-balik lang sa laot ng pagdududa, mahal. Alam kong ilang beses akong namangka sa dalawang ilog pero ang tinatahak na natin ngayon ay dagat. Mas malaki, mas malawak at mas marami na tayong karga. Huwag mo naman akong hayaang malunod. Tulungan mo naman akong marating ang pinapangarap nating destinasyon.”

Marami na siguro tayong narating kung hindi ka lang lumiko. Walang nagmamahal na nangangaliwa. Kapitan ng barko, nakalimutan mo na yatang hindi ako marunong lumangoy. Nawaglit na yata sa iyong isipan na ikaw ang nagsalba sa akin sa lamig at malalakas na alon. Ngunit para iligaw lang ako sa pangpang. Ang nais ko lang naman noong una ay makatungtong sa lupa.

Salita’t larawan ni: Jucel Faith

Leave a Comment