Mas Nakakatakot Pa Sa Bangungot

May nakapagsabi sa akin na kaya ko raw napapanaginipan ang mga taong mahalaga sa akin ay dahil iniisip at naaalala nila ako.

Kahapon, napanaginipan ko ang mga pinsan ko’t tiya na nasa Iloilo. Pangangamusta ang naririnig at yakap ang natatanggap ko mula sa kanila. Kakaiba ang hatid na init ng kanilang haplos, nararamdaman ko ang pagkasabik. Hindi ako kumurap, kinabisa ang bawat anggulo ng kanilang mukha. Kailanma’y hindi ako nag-iwas ng tingin sa takot na baka bigla silang maglaho at magising ako.

Kagabi, nahirapan akong makatulog. Ilang ikot ang ginawa para makatulog. May mga pagkakataon talagang hindi sapat ang pagod para magpahinga.

Kung mayroon mang mas nakakatakot pa sa bangungot, siguro iyon ang hindi mo pagbisita.

Salita’t larawan ni: Jucel Faith

Leave a Comment