Faded Love

Bigla pala talagang naglalaho ang pagmamahal.

Parang isang araw lang kapwa tayong nangangarap ng bukas na nasa mga bisig pa rin ng isa’t-isa. Kapwa ayaw lumayo, kapwa takot maiwanan at kapwa ayaw sumuko.

Tuwing naiisip ko iyon parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Kay bilis naman ng mga pangyayari. Hindi ko napansin na hindi na pala kasing higpit ng dati ang iyong mga yakap. Ang iyong halik, hindi na malalim at nakakalunod, kulang na sa tamis at hindi na nanunudyo. Hindi ko napansin na hindi na pala umaabot ang iyong mga ngiti sa iyong mga mata. Ngayon lang.

Paanong nagising ka na lang na hindi mo na ako mahal?

Salita’t larawan ni: jucelfaith

Leave a Comment