Can We Still Be Together?

at ayokong aminin
na ninanais pa rin
ng puso
ang makita kang muli.

ayokong aminin
ang pagkasabik ko
sa tunog ng iyong boses.

ayokong aminin
na pinapanalangin ko pa rin
na sa kabila ng lahat
ako pa rin at ikaw.

ayokong aminin
na sa kabila ng sakit
ng lungkot, ng pag-iisa
mahal pa rin kita.
inaamin ko.

— Jucel Faith

Larawang kuha ni Melody Pabroz

araw-araw kong
dinadalangin, mayakap ka’t
muli kong makapiling.
hindi maamin nitong
damdamin, na wala ka na
sa akin.

nagkamali ako, nanlulumo
ang damdamin sa mga
nagawa ko.

sana ako’y mapatawad
mo, dahil kahit ano mang
pagtatanggi’y ikaw at
ikaw pa rin ang mahal ko.

pwede pa ba tayong
makapagsimula muli?
pwede pa ba tayong
magpatuloy?
pwede pa ba?
tayo na lang ulit?

— Blythe Naza

Leave a Comment